Amnesty Proclamation, planong ipadala sa Kongreso para sa Leftist na may existing WOA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Planong ipadala sa Kongreso ang amnesty proclamation para sa may existing warrants of arrest sa hanay ng makakaliwang grupo.

Ito ang sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa isinagawang press conference matapos ang programang ginanap sa 117th Birth Anniversary ng dating Gobernador Roque Ablan Sr o Ablan Day.

Paliwanag ng kalihim na ang mga tunay na miyembro ng NPA ang sakop ng nasabing amnesty proclamation, na kunwaring NPA na nakagawa ng krimen sa pagnanakaw at iba pa.

Sinabi ni Sec. Teodoro na mas maganda kung magkakaisa na lamang ang mga Pilipino at patibayin ang bansa.

Iginiit na walang kabuluhan ang pagsasagawa ng giyera sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at makakaliwang grupo.

Dahil dito, hinihikayat ng Defense Secretary ang mga miyembro ng makakaliwang grupo na bumalik sa silong ng gobyerno dahil matutulungan ang mga ito at magkakaroon ng magandang buhay.

Kung maalala, sinabi ng kalihim na kontra ito na ituloy ang peacetalks sa Communist Party of the Philippines.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us