Amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”, inaprubahan ng joint house panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Joint House Committee on Energy and Nuclear Energy ang panukalang amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”.

Sa isinagawang pagdinig ng joint panel, tinalakay ng mga mambabatas ang pinapanukalang amyenda sa section 8 ng House Bill 8218. Ito ay ang pansamantalang koleksyon ng “universal charge”, across the board.

Ibig sabihin, madadagdagan ng kalahating sentimos ang per kilowatt hour na binabayaran ng lahat ng end users ng kuryente, ito ay ang mga commercial, industrial at residential electricity consumers.

Inaprubahan ng dalawang komite na bawasan sa kalahating sentimo o .005 ang universal charge na sa orihinal na panukalang amyenda ay 2 sentimos.

Ito ay gagamitin bilang interim funding source ng itatatag na Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM), na siyang maglalatag ng comprehensive legal framework para sa radiation protection, nuclear security, safety, at safeguards sa paggamit ng nuclear energy sa bansa.

Nakasaad din sa panukalang amyenda na sakaling makatanggap ang PhilATOM ng annual budget form sa General Appropriation Act ay ipagpapaliban ang pagpapatupad ng universal charge ng isang taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us