Anakalusugan Party-list, pinuri ang pagsasabatas ng Regional Specialty Centers Act

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Anakalusugan Party-list Representative Rey Reyes ang pagsasabatas ng Republic Act 11959 o ang “Regional Specialry Centers Act,” na naglalayong magtatag ng mga specialty centera sa lahat ng  rehiyon sa bansa.

Sa panayam kay Reyes, sinabi nito na indikasyon lamang ito na prayoridad ng administrasyon na magkaroon ng accessible at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

Nagpasalamat si Reyes kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan.

Si Reyes ay isa sa mga co-author ng House No 7751, na isinama sa current version ng batas.

Ayon pa sa mambabatas, malaking tulong ito sa ating mga kababayan na hindi na kailangan pang bumiyahe para magpagamot, at isa itong malaking hakbang para makamit ang murang healthcare services para sa lahat.

Sa ilalim ng batas inaatasan ang Department of Health na magtalaga ng specialty centers, na priority ang cancer care, cardiovascular care, lung care, renal care and kidney transplant, brain and spine care, trauma care and burn care. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us