Isinailalim na sa State of Calamity ang Bacolod City kasunod ng malawakang pagbaha na naranasan sa lungsod dahil sa pag-ulan na dala ng Habagat na pinalakas lalo ng Bagyong #GoringPH.
Sa 61st regular session ng Bacolod City Council, inaprubahan ng mga konsehal ang request ni Mayor Albee Benitez na magdeklara ng State of Calamity.
Batay sa ipinadalang resolusyon ng Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC), umabot sa 33 barangay o higit kalahati ng kabuuang 61 barangay ng lungsod ang binaha dahil sa epekto ng bagyo.
Kasunod ng deklarasyon ng State of Calamity, inanunsyo din ni Mayor Benitez na mananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas at paaralan sa Bacolod City hanggang Biernes, Septiembre 1.
Layunin nito na mabigyang daan ang isasagawang cleaning at clearing operation sa mga paaralan na apektado ng malakas na pag-ulan.| ulat ni JP Hervas| RP1 Iloilo