Barko, sumadsad sa dalampasigan ng Batangas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tulong-tulong na ang mga lokal na ahensya ng Batangas upang agad na matanggal ang barkong sumadsad sa dalampasigan ng Batangas City kahapon.

Ayon sa Philippine Coast Guard Southern Tagalog, sinisikap nang alisin ang LCT Golden Bella na inanod ng malalaking alon at hinampas ng hangin dahil sa habagat dulot ng bagyong Goring sa baybayin ng Barangay Ilijan, Batangas City.

Ang naturang barko ay kinakargahan ng mga cargo, trucks, containers, building materials, kotse at maging mga pasahero.

Sabi ng Coast Guard, umalis ang nasabing barko sa Brooke’s Point sa Palawan na may mga kargang heavy equipment patungong Manila Bay.

Magkukubli lamang sana ang nasabing barko sa Batangas dahil sa sama ng panahon ngunit hindi nito kinaya ang malalakas na hangin at alon na naging sanhi ng pagsadsad nito.

Nakikipagtulungan na rin daw ang Golden Anchor Shipping Lines Corporation, ang nagmamay-ari ng naturang barko.

Mabilis namang ni-rescue ng PCG Marine Environmental Protection Force and Special Operations Unit of sa Southern Tagalog ang mga tripulante ng barko gamit ang rubber boats.

Kargado din ng 13,456 liters ng diesel at 173 liters na lube oil ngunit hindi naman daw ito magiging sanhi ng oil spill sa naturang karagatan. | ulat ni Michael Rogas

đź“·: Coast Guard District Southern Tagalog

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us