Bike lane sa EDSA-Ortigas, iniiwasan na ng mga motor rider

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na nakakalat ngayon ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay para manita ng mga motoristang dumaraan sa designated bicycle lane na inaasahang darami na, ngayong balik normal na ang daloy ng trapiko matapos ang holiday.

Sa Southbound-lane ng EDSA Santolan, hindi bababa sa anim na mga traffic enforcer ng MMDA ang nakabantay-sarado sa mga bike lane para magpatupad ng batas trapiko.

Dahil visible na ang mga ito, kapansin-pansing iniiwaasan na ng mga motorcycle rider ang pagdaan sa bike lane at maingat na sila ngayong bumabagtas sa kahabaan ng EDSA.

Ayon naman sa mga enforcer, paninita lamang ang kanilang gagawin at hindi pa sila mag-iisyu ng ticket katulad ng ginawa nila kahapon, kung saan nasa 30 motorcycle riders ang nasita. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us