Bilang ng evacuees sa Valenzuela, higit 800 pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa higit 800 residente pa sa Valenzuela ang nananatili sa mga evacuation site dahil sa pagbahang dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon.

Katumbas pa ito ng 242 na pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa 13 evacuation centers sa lungsod.

Pinakamarami ang nananatili sa Pasolo Elementary School, Malanday na aabot sa 53 pamilya o katumbas ng 191 na indibidwal.

Kaugnay nito, may ilang kalsada pa rin sa lungsod ang baha kaya naman nagpapatuloy rin ang libreng sakay ng pamhalaang lungsod para sa nga pasaherong hirap makasakay.

Kabilang sa ruta ng libreng sakay truck ang mga sumusunod:

  • Polo – Tatawid
  • Malanday – Meycauayan
  • Pasolo – Rincon
  • VCEH – Toyota Service Center, Dalandanan
  • T. Santiago – Toyota Service Center, Dalandanan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Valenzuela City LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us