Chief of Police ng Navotas na nasibak dahil sa kaso ng mistaken identity, dumipensa sa alegasyon ng cover up

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay na lamang ni Navotas City Police Chief, P/Col. Allan Umipig ang opisyal na direktibang magmumula sa Northern Police District (NPD).

Ito’y para matiyak ang maayos na turnover matapos siyang i-relieve ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, P/BGen. Jose Melencio Nartatez dahil sa kaso ng 17 anyos na si Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity ng mga Pulis.

Sa panayam kay Umipig sa Kampo Crame, sinabi nito na kaniyang iginagalang ang desisyon ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na nagsisibak sa kaniya sa puwesto para bigyang-daan ang nagpapatuloy na imbestigasyon

Gayunman, nanindigan si Umipig na walang cover-up sa kaso dahil sa katunayan, siya pa ang nanguna sa pagsasampa ng kaso laban sa 11 niyang tauhan na nagkasa ng operasyon at nagresulta sa pagkakapatay kay Jemboy.

Ginawa ni Umipig ang pahayag kasunod ng naging pahayag ng PNP Internal Affairs Service (IAS) na mayroong cover-up sa kaso dahil sa hindi naisama sa mga kaasuhan ang mismong nagkasa ng operasyon.

Giit pa ni Umipig, bagaman hindi naman aniya maiiwasan ang paglabas ng iba’t ibang opinyon, haka-haka at ispekulasyon sa kaso, handa niyang idepensa ang kaniyang sarili sa tamang lugar sakaling kailanganin.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us