Chief PNP Cup Shooting Competition, magbubukas ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbubukas ngayong alas-8 ng umaga ang Chief PNP Cup Shooting Competition sa Armscor Shooting Range sa Marikina City.

Ang apat na araw na kompetisyon na magtatapos sa August 20 ay inaasahang lalahukan ng 490 gun enthusiasts mula sa 55 unit at tanggapan ng Philippine National Police (PNP).

Sa pangunguna ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ipapamalas ng mga kalahok ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang shooting category, sa isang “friendly competition”.

Ayon sa PNP chief, ang paligsahan sa husay humawak ng baril ay bahagi ng commitment ng PNP na isulong ang “firearm proficiency” at disiplina sa hanay ng PNP.

Inaasahan din na ang aktibidad ay magsisilbing inspirasyon sa lahat ng tauhan ng PNP na itaguyod ang “camaraderie”, pagkakaisa, at propesyonalismo sa pagganap ng kanilang tungkulin na paglingkuran ang mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us