Contempt order laban sa tatlong pulis Navotas na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, inalis na ng Senate panel; Kustodiya ng tatlong pulis, inilipat sa Kampo Crame

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalis na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang contempt order sa tatlong miyembro ng Navotas City Police na isinasangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar na isang kaso ng mistaken identity.

Sa kabila nito, sinabi pa rin ni Committee Chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na mananatili sa kustodiya ng PNP general headquarters sina Police Captain Juanito Arabejo Jr., Police Captain Mark Joseph Carpio at Police Staff Sgt. Gerry Maliban habang patuloy silang iniimbestigahan.

Ito ay makaraang tapusin na ng kumite ang pagdinig sa kaso ng pagpatay kay Jemboy.

Sa pagdinig, muling naging emosyonal si dela Rosa nang ipaalala sa mga pulis ang kanilang pangunahing tungkulin na maglingkod at protektahan ang publiko, lalo na ng mga mahihirap.

Nangyari ito matapos ipahayag ng tiyuhin ni Jemboy na si Nicanor Guillermo na hirap silang kunin ang hustisya dahil mahirap lang sila.

Pinahayag ng senador na bagamat nalulungkot siya sa nangyari kay Jemboy ay mas ikinalulungkot niya ang nangyayari sa PNP na tila naisasantabi ang pagsunod sa mga polisiya at tamang proseso sa pagpapatupad ng batas.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us