Nakatakdang simulan ng Department of Agriculture at Philippine Coconut Authority ngayong buwan ang pagtatanim ng 100 milyong seedlings ng puno ng niyog.
Ayon kay Philippine Coconut Authority Chairperson at Deputy Administrator Roem Rosales, nakikipag-usap na sila sa mga magsasaka na siyang pagkukunan ng mga nasabing punla.
Saklaw ng nasabing planting at replanting project ang Mindanao at ang hilagang bahagi ng bansa.
Sinabi rin ni Rosales na naghahanap pa sila ng mga lugar sa Norte na pagtataniman ng niyog.
Aabot naman sa ₱100 milyon ang inisyal na pondo para sa nasabing proyekto.
Binanggit rin ng opisyal na nakakahabol na ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa Asya pagdating sa produksyon ng coconut oil.
Samantala, nakatakda naman magsagawa ang PCA ng isang linggong selebrasyon upang ipagdiwang ang 37th National Coconut Week sa susunod na linggo. | ulat ni Gab Villegas
📷: Department of Agriculture