Wala pang nakikita ang Department of Agriculture na epekto sa mga pananim ng pananalasa ng Bagyong Goring.
Ayon kay DA Field Operations Service OIC U-Nichols Manalo, sa ngayon ay wala pa itong natatanggap na ulat muna sa mga regional office na tinamaan ng bagyo.
Kabilang naman sa mga tinututukang rehiyon ngayon ng DA ang Regions 1, 2, CAR pati ang Mimaropa na una na ring tinamaan ng nagdaang Bagyong Egay.
Umaasa ang DA na hindi na gaanung lumawak pa ang pinsala ng Bagyong Goring lalo’t hindi pa nakakarecover ang mga nagsasaka sa northern luzon sa epekto ng Bagyong Egay.
Dagdag pa nito, maaaring hindi pa nagtatanim muli ang mga magsasaka sa Norte dahil hinihintay ang pagtuntong ng dry cropping season sa setyembre. | ulat ni Merry Ann Bastasa