Mananatili pa ring suspendido ang scheduled daily water service interruptions sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Valenzuela at Quezon City.
Ayon sa Maynilad Water Services, dahil ito sa patuloy pa na pagtaas ng water elevation sa Angat Dam dahil na rin sa mga pag-ulan nitong nakaraang linggo.
Batay sa huling monitoring
nasa 199.81 meters ang water level ng Angat Dam kaninang umaga, mula sa 195.04 meters noong nakaraang linggo.
Mas mataas sa minimum operating level na 180 meters.
Habang ang Ipo Dam ay nasa 100.76 meters mula 101.09 meters noong nakaraang linggo
Gayunpaman, umiiral pa rin ang El Niño sa bansa na posibleng maging dahilan upang mabawasan ang mga pag-ulan na makadadagdag ng tubig sa nasabing mga dam.
Dahil dito, hinihikayat pa ng Maynilad ang lahat na makiisa sa masinop na paggamit ng tubig para ang supply ay lalong mapalawig. | ulat ni Rey Ferrer