Dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna, sumakabilang buhay na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumanaw na si dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna sa edad na 85 taong gulang.

Inihayag ito ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ngayong umaga, Agosto 13.

Sa kanyang social media post, inihayag ng pamilya Lacuna, sa pamamagitan ni Mayor Honey, ang panganay sa limang anak, na namatay si dating Vice Mayor Danny Lacuna kaninang madaling araw na katabi ang kanyang buong pamilya.

Si Danilo Bautista Lacuna ay nagsilbi bilang konsehal ng lungsod ng Maynila mula 1968 hanggang 1975 at Bise Alkalde ng lungsod noong mga taong 1970 hanggang 1971, 1988 hanggang 1992, at pinakahuli noong 1998 hanggang 2007.

Itinatag din niya ang local political party na Asenso Manileño, na partido ni dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at incumbent Mayor Honey Lacuna.

Naiwan niya ang kanyang asawang si Melanie “Inday” Lacuna at limang anak na sina Honey, Lei, Dennis, Liza, at Philip.

Ang iba pang detalye sa lamay ay mamaya pa iaanunsyo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us