Upgrade ng mga paliparan, pinaglaanan ng higit 6-B sa susunod na taon

Kabuuang P6.1 billion ang inilaang pondo para sa upgrading ng mga paliparan sa bansa batay sa 2024 National Expenditure Program. Halos doble ito ng kasalukuyang P3.1 billion billion na pondo. Sa higit anim na bilyong pisong funding,  P2.8 billion ang mapupunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasama na dito ang P1.2 billion na pambili… Continue reading Upgrade ng mga paliparan, pinaglaanan ng higit 6-B sa susunod na taon

PH ROTC Games 2023 Visayas leg, umarangkada na

Umarangkada na ang Visayas Leg Qualifying Rounds ng Philippine ROTC Games sa Iloilo City nitong Linggo, Agosto 13. Pinangunahan ni Sen. Francis Tolentino, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann, Congressman Anthony Roland Golez Jr. na kinatawan ni Sen. Christopher “Bong” Go, Department of National Defense (DND) Asec. Henry Robinson Jr., Commission on Higher Education… Continue reading PH ROTC Games 2023 Visayas leg, umarangkada na

Mga murang bilihin, tampok sa Kadiwa ng Pangulo sa Zamboanga City

Tampok ang iba’t ibang produkto ng mga magsasaka sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo sa lungsod ng Zamboanga. Matagumpay na isinagawa kamakalawa ng Department of Agriculture (DA9) – Agribusiness and Marketing Assistance Division ang Kadiwa Ng Pangulo sa loob ng Edwin Andrews Air Base (EAAB), nitong lungsod kung saan katuwang ng DA ang iilang mga ahensya… Continue reading Mga murang bilihin, tampok sa Kadiwa ng Pangulo sa Zamboanga City

Speaker Romualdez, pinuri ang DA sa mabilis nitong aksyon para makakuha ng bigas mula Vietnam at India

Welcome para kay House Speake Martin Romualdez ang mabilis na aksyon ng Department of Agriculture (DA) upang makakuha ng suplay ng bigas mula Vietnam at India. Kasunod ito ng pakikipag-usap ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa mga exporter ng Vietnam na nagbigay ng quotation na $30 hanggang $40 na mas mababa kumpara sa napag-usapang presyo.… Continue reading Speaker Romualdez, pinuri ang DA sa mabilis nitong aksyon para makakuha ng bigas mula Vietnam at India

Mga residente sa Talim Island na sinalanta ni Egay, hinatiran ng tulong ng PCSO

Hinatiran na rin ng tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga pamilyang sinalanta ni bagyong Egay sa Talim Islands sa Binangonan Rizal. Mismong si PCSO Director Janet de Leon-Mercado kasama ang iba pang opisyal ang nanguna sa paghahatid ng 500 food packs para sa mga senior citizens at PWDs ng isla. Kasama ding… Continue reading Mga residente sa Talim Island na sinalanta ni Egay, hinatiran ng tulong ng PCSO

Speaker Romualdez, hinikayat ang pagpapalakas sa ugnayan at kooperasyon ng iba’t ibang mga bansa sa pag-unlad at paglikha ng dagdag na trabaho

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na susi sa pagpapalago ng ekonomiya at dagdag trabaho ang pinalawak na ugnayan at kooperasyon ng Pilipinas sa mga karatig bansa nito sa rehiyon. Kasunod ito ng ulat na tumaas ang unemployment rate ng bansa sa 4.5% nitong Hunyo o katumbas ng 233 milyong Pilipino na naghahanap ng trabaho.… Continue reading Speaker Romualdez, hinikayat ang pagpapalakas sa ugnayan at kooperasyon ng iba’t ibang mga bansa sa pag-unlad at paglikha ng dagdag na trabaho

Rationalization ng livelihood programs, pinaaaral ni PBBM

Magsasagawa ng review ang Department of Budget and Management (DBM) sa ipinapatupad na livelihood program ng pamahalaan. Sa naging briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa 2024 Budget, sinabi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na nais ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na i-rationalize ang lahat ng livelihood programs at projects. Noon aniyang aralin ng Chief Executive… Continue reading Rationalization ng livelihood programs, pinaaaral ni PBBM

Higit 1.3 milyong pamilya, apektado ng bagyong Egay at Falcon -NDRRMC

Lumobo na sa 1,352,055 pamilya o 5,293,546 katao ang naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon. Ito’y base sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, Agosto 13. Ang mga nasabing pamilya ay mula sa 5,535 barangays sa buong bansa na naapektuhan ng magkasunod na sama ng panahon.  Kasama sa… Continue reading Higit 1.3 milyong pamilya, apektado ng bagyong Egay at Falcon -NDRRMC

Mayor Baldo, kinansela ang town fiesta sa Daraga, Albay

Kaliwa’t kanang selebrasyon sa Albay ang kinansela dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Daraga na kanselado na ang mga aktibidad sa paparating na Daraga Town Fiesta ngayong Setyembre. Ito ay dahil sa patuloy na nararanasang kalamidad hindi lamang sa lungsod kundi pati na rin ng buong lalawigan… Continue reading Mayor Baldo, kinansela ang town fiesta sa Daraga, Albay

Hurisdiksyon sa mga pampublikong paaralan sa EMBO barangays, iginiit ng Taguig LGU

Nanindigan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig na kanilang ipagpapatuloy ang pagtupad sa mandatong ibinigay sa kanila ng Korte Suprema para maayos na pangasiwaan ang mga Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangays mula sa Makati City. Ito ang tugon ng Taguig LGU sa anito’y marahas na pahayag ng Makati LGU matapos barikadahan at ikandado ang mga… Continue reading Hurisdiksyon sa mga pampublikong paaralan sa EMBO barangays, iginiit ng Taguig LGU