Mga residente sa Talim Island na sinalanta ni Egay, hinatiran ng tulong ng PCSO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinatiran na rin ng tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga pamilyang sinalanta ni bagyong Egay sa Talim Islands sa Binangonan Rizal.

Mismong si PCSO Director Janet de Leon-Mercado kasama ang iba pang opisyal ang nanguna sa paghahatid ng 500 food packs para sa mga senior citizens at PWDs ng isla.

Kasama ding nagtungo sa lugar ang PCSO Medical and Dental Team na nagbigay ng serbisyo at libreng vitamins at gamot sa mga residente.

Nag-abot din ng tulong pinansiyal ang Nineteen Aces Gaming and Amusement Corp. At ang Small Town Lottery Authorized Agency Corporation ng Probinsya ng Rizal sa mga naulilang pamilya ng 27 nasawi sa tumaob na bangkang de motor noong Hulyo 27. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us