Higit 600 biktima ng bagyong Egay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra, binigyan ng ayuda ng NHA

Sinimulan na ng National Housing Authority (NHA) sa Region I & CAR 1 ang pamamahagi ng paunang ayuda sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra dulot ni bagyong Egay. Naglabas ng pondo na P50 million ang NHA para sa mga nasalantang pamilya alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R.… Continue reading Higit 600 biktima ng bagyong Egay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra, binigyan ng ayuda ng NHA

PCSO, magkakaloob ng tulong sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Egay sa Camarines Norte

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa mga komunidad na madalas makaranas ng kalamidad. Kaugnay nito ay magkakaloob ang PCSO ng 2,000 family food packs para sa mga mahihirap na residente ng Camarines Norte na naapektuhan ng bagyong Egay. Kabilang sa mga ipamamahagi ng PCSO ay mga de lata, noodles,… Continue reading PCSO, magkakaloob ng tulong sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Egay sa Camarines Norte

Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat, umabot na sa P1.77-B, ayon sa DepEd

Lumobo pa ang halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon na dulot ng pananalasa ng mga nagdaang Bagyong #EgayPH at #FalconPH, pati na habagat. Batay sa pinakahuling situation report ng Department of Education (DepEd), umabot na sa P1.77 bilyon ang halaga ng pinsala kung saan nasa 479 na mga paaralan ang naapektuhan mula sa iba’t… Continue reading Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat, umabot na sa P1.77-B, ayon sa DepEd

Mga nasirang bahay sa Region 2 dahil sa bagyong Egay, umabot sa mahigit 22,000 -DSWD

Umakyat pa sa 22,273 na pamilya ang nasiraan ng bahay sa pananalasa ng Super Typhoon Egay sa Rehiyon 2. Base sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2, umabot na sa 21,131 ang partially damaged habang 1,142 naman ang totally damaged na kabahayan. Pinakamarami sa nasiraan ay naitala sa Cagayan… Continue reading Mga nasirang bahay sa Region 2 dahil sa bagyong Egay, umabot sa mahigit 22,000 -DSWD

Mga residente sa Talim Island na sinalanta ni Egay, hinatiran ng tulong ng PCSO

Hinatiran na rin ng tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga pamilyang sinalanta ni bagyong Egay sa Talim Islands sa Binangonan Rizal. Mismong si PCSO Director Janet de Leon-Mercado kasama ang iba pang opisyal ang nanguna sa paghahatid ng 500 food packs para sa mga senior citizens at PWDs ng isla. Kasama ding… Continue reading Mga residente sa Talim Island na sinalanta ni Egay, hinatiran ng tulong ng PCSO

Higit 1.3 milyong pamilya, apektado ng bagyong Egay at Falcon -NDRRMC

Lumobo na sa 1,352,055 pamilya o 5,293,546 katao ang naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon. Ito’y base sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, Agosto 13. Ang mga nasabing pamilya ay mula sa 5,535 barangays sa buong bansa na naapektuhan ng magkasunod na sama ng panahon.  Kasama sa… Continue reading Higit 1.3 milyong pamilya, apektado ng bagyong Egay at Falcon -NDRRMC

500 pamilyang apektado ng bagyong Egay sa Laoag City, nabigyan ng tig-P2,000

Ang nasabing tulong ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Ito ay binigyang daan ni Senador Loren Legarda. Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Michael Marcos Keon kay Legarda dahil napagbigyan ang kanyang hiling na mabigyan ng budget ang pagtulong sa… Continue reading 500 pamilyang apektado ng bagyong Egay sa Laoag City, nabigyan ng tig-P2,000

Valenzuela LGU, magpapadala ng tulong sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon

Magpapaabot na rin ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon. Ayon sa LGU, magdo-donate ito ng P13,450,000 sa anyo ng cash at in-kind sa piling lalawigan, siyudad at munisipalidad. Kabilang sa mga lugar na mabibigyan ng tulong ang Abra, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur,… Continue reading Valenzuela LGU, magpapadala ng tulong sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon

Ilan pang national roads sa Northern at Central Luzon, hindi pa madadaanan pagkatapos ng bagyong Egay-DPWH

Nasa 12 pang road section sa Northern at Central Luzon ang hindi pa madaanan ng mga motorista matapos ang pananalasang dulot ng bagyong Egay at habagat. Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), 7 sa mga kalsadang ito ay matatagpuan sa Cordillera Administrative Region, 2 sa Rehiyon 1, at 3 sa Rehiyon… Continue reading Ilan pang national roads sa Northern at Central Luzon, hindi pa madadaanan pagkatapos ng bagyong Egay-DPWH

P1.6-B halaga ng imprastraktura sa La Union, sinira ng bagyong Egay

Labis na naapektuhan ang mga imprastraktura sa lalawigan ng La Union sa pananalasa ng Bagyong  #EgayPH. Batay sa partial report na inilabas ng PDRRMO – La Union mula Provincial Engineering Office at La Union Tourism Office, sumampa na sa P1,648,031,000 ang pinsalang idinulot ng bagyo sa mga imprastraktura at tourism sites sa La Union. Pinakaapektado… Continue reading P1.6-B halaga ng imprastraktura sa La Union, sinira ng bagyong Egay