Davao City Police Office nagtala ng dalawang paglabag sa COMELEC gun ban sa ikalawang araw ng election period

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtala ng dalawang paglabag sa Commission on Elections (Comelec) Gun Ban ang Davao City Police Office (DCPO) sa ikalawang araw (Agosto 29, 2023) ng pagpapatupad nito sa Davao City.

Sa report ng DCPO, unang naaresto si Christopher Hintonoro, 34 anyos na residente ng Barangay Talomo River, Calinan District.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-9:00 ng gabi ng Martes, nanggugulo umano si Hintonoro sa kanilang lugar gamit ang kanyang improvised shotgun.

Sumunod na inaresto ang vendor na si Roldan Villarta, 49 anyos na residente ng Barangay Panacan.

Bandang alas-10:00 ng gabi ng Miyerkules nakuhananan ng isang punto 38 na revolver ang suspect sa ikinasang buy-bust operation sa harap ng isang kainan sa kanilang barangay. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us