Nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Gawad Taga-Ilog Road Show sa Marikina City Hall ngayong araw.
Layon ng naturang programa na maipakita ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga proyekto, na tutugon sa mga issue sa solid waste management.
Bukod dito, ay isinasagawa rin ng DENR sa nasabing aktibidad ang taunang search sa pinakamalinis na estero sa mga barangay sa Metro Manila.
Sa naturang roadshow, nagkaroon ng exhibit, maiksing programa, at namahagi ng mga promotional material tungkol sa pagsusulong ng solid waste management sa mga komunidad.
Sa talumpati ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nangako ito na ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang best pratices nito sa solid waste management, at paiigtingin pa ang suporta sa mga katulad na programa.
Matatandaang ginawaran ng parangal ng DENR bilang pinakamalinis na estero ang tatlong estero ng Marikina City kabilang ang Park Creek 22, Park Creek 23, at ang Conception Creek. | ulat ni Diane Lear