DOH -R1MC, nagsagawa ng outreach activity para sa bivalent COVID-19 vaccination sa Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng outreach activity ang Region 1 Medical Center (R1MC) at Department of Health – Ilocos Region para palawigin ang bivalent COVID-19 vaccination para sa healthcare workers (HCWs), partikular na sa mga pribadong ospital.

Nasa 84 na HWCs mula sa Luzon Medical Center ang nabigyan ng kanilang ikatlong booster dose noong ika-8 ng Agosto, 2023.

Dagdag dito, 144 HCWs naman mula sa Nazareth General Hospital ang nabakunahan ng booster dose noong ika-10 Agosto, 2023.

Magpapatuloy umano ang vaccination outreach program hanggang Setyembre ngayong taon at bibisita sa iba pang pribadong pasilidad na pangkalusugan.

Ayon sa datos, 784 na indibidwal na mula sa priority group na A1 at A2 na ang nabakunahan ng R1MC mula noong nag-umpisa ang roll out para sa bivalent vaccination, noong Hulyo 2023. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us