DOLE, may paalala sa mga employer hinggil sa holiday pay rules para sa Agosto 21 at 28

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa tamang pasweldo sa kanilang mga empleyado para sa mga petsang Agosto 21 at 28.

Ito ang inihayag ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma makaraang ipalabas nito ang Labor Advisory no. 17 series of 2023 kasabay ng paggunita sa Ninoy Aquino Day gayundin sa National Heroes Day.

Para sa Agosto 21 na deklarado bilang special non-working holiday, nakasaad sa naturang labor advisory na paiiralin ang ‘No Work, No Pay’ policy.

Subalit kung papasok ang isang empleyado sa nasabing araw ay dapat siyang makatanggap ng karagdagang 30% sa unang 8 oras sa kaniyang arawang sweldo, bukod pa sa karagdagang 30% kada oras sakaling mag-overtime.

Dahil deklarado namang regular holiday ang Agosto 28, asahan na ang “double pay” para sa emplyedong papasok sa araw na ito sa kanilang unang 8 oras ng kanilang trabaho, bukod pa sa karagdagang 30% ng daily wage kapag nag-overtime.

Pero kung day off ng isang empleyado at siya’y pinapasok, dapat siyang makatanggap dagdag na 30% ng kaniyang arawang sweldo bukod pa sa double pay na kaniyang matatanggap at may karagdagang 30% pa ng kaniyang suweldo sa kada oras na overtime. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us