Donasyong 20 satellite communication kits, tinanggap ng Office of Civil Defense

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinanggap ng Office of Civil Defense (OCD) ang 20 satellite communication kit na donasyon ng Diversified Financial Network Inc. (DFNN, Inc.).

Ang ang pag-turnover kahapon ng naturang mga SpaceX Starlink kit ay sinaksihan ni Department of National Defense (DND) Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Gilbert Teodoro, NDRRMC Administrator Undersecretary Ariel Nepumoceno, at mga opisyal ng OCD.

Pinasalamatan ni Sec. Teodoro si DFNN, Inc. Executive Chairman Ramon Garcia Jr. sa donasyon at sinabing ang modernong kagamitang pang-komunikasyon ay makapagpapalakas sa kakayahan ng pamahalaan na tumugon sa mga kalamidad.

Sinabi naman ni Usec. Nepumoceno na mahalaga ang maaasahan at matatag na sistema ng komunikasyon bilang “backbone” ng humanitarian assistance and disaster response (HADR) operations.

Ang mga Starlink satellite kit ay “low maintainance devices” na madaling i-deploy at kayang i-operate ng isang tao; na may kakayahang maghatid ng high-speed internet para sa virtual conferences, video calls, at iba pa.  | ulat ni Leo Sarne

📸: OCD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us