Nagsagawa ng courtesy visit sina Transportation Secretary Jaime Bautista at mga matataas na opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines kay Senate President Juan Miguel Zubiri para talakayin ang nagpapatuloy na development ng Bukidnon Airport na magpapalakas sa air travel at connectivity sa rehiyon.
Ang Phase 1 ng Bukdinon Airport Development Project at nagsimula noong Agosto 2021 at inaasahang matatapos ngayong Disyembre. Kasama sa proyekto ang pag-konkreto ng runway, paglalagay ng konkretong pipe conduits, box culvert, at pagtatayo ng Apron, North, at South Taxiway
Samantala, ang Phase 3 ng nasabing proyekto kung saan kasama ang pagtatayo ng Passenger Terminal Building, Runway Strip, Runway Extension, 2-unit Conduits, Box Culvert at Runway Markings ay inaasahan namang matatapos sa huling bahagi ng Hunyo 2024.
Humingi rin ng suporta ang CAAP sa pagkakaroon ng sapat na pondo para sa modernisasyon ng mga Aircraft Rescue and Fire Fighting Units sa ilang paliparan.
Mahalaga ang papel ng mga ARFF units na matuyak ang kaligtasan ng mga aircraft sa panahon ng emergency. Sa pag-upgrade ng mga ito, mapapabuti ang emergency response capabilities ng mga paliparan.
Tiniyak naman ni Zubiri sa DOTr at CAAP na sila ay makikipagtulungan upang matiyak ang pondo para sa pagsasakatuparan ng mga nasabing proyekto. | ulat ni Gab Villegas