DOTr, hinikayat ang mga kumpanya sa Japan na sumali sa bidding ng iba’t ibang PPPs sa railway at aviation sector ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa isinagawang Philippine Investment Opportunities forum sa Tokyo, hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga kumpanya sa Japan na sumali sa bidding ng ahensya para sa iba’t ibang public-private partnership projects (PPPs) sa railway at aviation sector ng bansa.

Sa naturang forum, ibinida ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang tatlong proyekto na bubuksan para sa bidding sa ilalim ng PPP scheme.

Ayon kay Bautista, bukas ang bidding sa pribadong sektor para sa operasyon at maintenance ng dalawang railway projects kabilang dito ang Metro Manila Subway Project at North-South Commuter Railway Project.

Ang bidding ay magsisimula sa 4th quarter ng 2023 hanggang sa 1st quarter ng 2024.

Dagdag pa ng kalihim, patuloy din ang paghahanap ng DOTr ng mga interesadong kumpanya para sa bidding ng kontrata sa rehabilitation at expansion ng Ninoy Aquino International Airport.

Sa ngayon, nagsimula na ang bidding para sa nasabing proyekto noong August 23 matapos mailabas ang guidelines para sa mga bidder.

Tiniyak naman ni Bautista, na tuloy-tuloy ang trabaho ng DOTr para mapabuti ang transport sector ng bansa sa pamamagitan ng pag-develop ng mga imprastraktura sa airport, aviation, maritime, railways, at road sector. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us