DSWD, magpapadala na 39,000 food packs sa mga binaha sa Visayas at Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na rin ang relief packs na ipapadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na binaha sa Visayas at Mindanao.

Sa direktiba ni DSWD Rex Gatchalian, agad na nakipag-ugnayan si Disaster Response and Management Group (DRMG) Asec. Marlon Alagao sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) para sa dispatching ng inisyal na 39,100 family food packs (FFPs) sa Western Visayas (Region 6), Eastern Visayas (Region 8) regions at sa Northern Mindanao (Region 10).

Inaasahan ng DSWD na maipapadala ang inisyal na 11,700 FFPs ngayong Martes na para sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Bacolod at Iloilo.

Naka-iskedyul naman sa Miyerkules ang 12,900 FFPs para sa Northern Mindanao partikular sa Lanao del Norte, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental, at Bukidnon.

Habang ang natitirang 14,500 FFPS ang ihahatid sa Southern Leyte sa Huwebes. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us