Tuloy-tuloy na ang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring.
Ayon sa DSWD, aabot na sa ₱1.9-milyong halaga ng humanitarian assistance ang nailaan ng ahensya sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha.
Kabilang rito ang mga apektado sa Calabarzon, MIMAROPA at Western Visayas.
As of August 29, umakyat pa sa higit 24,164 pamilya o 82,909 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Goring.
Mula sa bilang na ito, 6,924 pamilya o katumbas ng 25.244 indibidwal ang nananatili pa sa evacuation centers.
Mayroon na ring 83 kabahayan ang napinsala dulot ng pananalasa ng bagyo.
Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD sa mga lokal na pamahalan para sa pagpapatuloy ng disaster relief operations sa mga apektadong lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa