Nananatili pa rin ang malakas na koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government unit sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, patuloy ang ugnayan nito sa provincial government para sa iba pang posibleng pamamagitang kailangan ng mga LGU.
Ito’y bagama’t pinayagan nang pumalaot at makapangisda ang mga mangingisda sa karagatan na apektado ng oil spill.
Sa ngayon ay may 40,583 benepisyaryo ng cash-for-work (CFW) ang nakatanggap na ng tulong pinansyal na abot na sa P228,190,450.
Ito ay mula sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan o MIMAROPA Region.
Naglabas din ang DSWD Field Office MIMAROPA ng kabuuang 294,295 family food packs (FFPs) sa mga residente sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng oil spill. | ulat ni Rey Ferrer