DSWD, sisiguruhing lahat ng kanilang social media channels ay updated at naaabot ang mga Pilipino alinsunod sa Media and Information Literacy program ng PCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gagamitin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng kanilang media channels, upang maipaabot sa mga Pilipino ang pinakahuling balita kaugnay sa mga programa ng kanilang tanggapan.

Pahayag ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, kasunod ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Presidential Communications Office (PCO), DSWD, Department of Education (DepEd), at Department of the Interior and Local Government (DILG), na layong labanan ang fake news at misinformation sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na maging ang kanilang tanggapan ay naging biktima na rin ng pekeng balita.

Binanggit nito ang insidente na pagtungo sa kanilang opisina ng mga benepisyaryo upang mag-claim ng ayuda, makaraang mapadalhan ng code mula sa mga nananamantalang indibidwal.

“It’s a matter of constantly communicating, kasi one of the things nga na mandato namin sa department minsan nakaka-frustrate sa beneficiaries if they access our official media accounts and then hindi updated lalo na kami dahil nga kami ayuda iyong [unclear] hindi updated iyong mga data so mapipilitan silang maghanap ng iba pang impormasyon.” —Secretary Gatchalian

Ayon sa opisyal, titiyakin nila na updated ang impormasyong ipapaskil nila sa kanilang online platforms, at tama at napapanahon ang impormasyon na maa-access ng publiko sa kanilang website.

Ayon sa kalihim, batid ng kanilang hanay ang pangangailangan na maging disiplinado sa pagtupad ng kanilang mandato lalo’t ang susi aniya upang labanan ang mga maling balita ay ang constant na komunikasyon sa publiko. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us