DTI Chief, inatasan ang mga regional office nito na bantayan ang supay at presyuhan ng school supplies

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na pinababantayan ng Department of Trade and Industry o DTI sa lahat ng tanggapan nito sa buong bansa ang sapat na suplay at matatag na presyuhan ng mga gamit pang-eskuwela ng mga mag-aaral, isang linggo bago ang pasukan.

Ito ang inihayag ni DTI Sec. Alfredo Pascual makaraang suyurin nila ang ilang tindahan ng school supplies sa Divisoria sa Maynila kahapon.

Ayon kay Pascual, inatasan na niya ang mga pinuno ng lahat ng kanilang regional offices sa buong bansa para magkasa na rin ng pag-iikot sa mga kilalang pamilihan sa kanilang lugar.

Kasabay nito, hinimok din ni Pascual ang mga magulang na suriing maigi ang mga bibilhing school supplies at siguruhin kung ito’y aprubado ng FDA upang matiyak na ligtas ito para sa kanilang mga anak.

Umapela rin ng tulong ang Kalihim sa publiko na i-report sa kanila ang sinumang gumagawa, namamahagi at nagtitinda ng mga produktong sobra sa itinakdang Suggested Retail Price o SRP upang mapanagot ang mga ito sa batas. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: DTI

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us