Pinangunahan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang paglulunsad ng ‘One Ilocos Sur One Town-One Product (OTOP)’ Hub, sa sidelines ng kanyang pagbisita sa lalawigan upang dumalo sa Post-SONA Philippine Economic Briefing.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng kalihim na may mahalagang papel ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa paghubog ng economic landscape ng bansa.
Sinabi rin ni Pascual, na tinutugunan nito ang kahirapan sa pamamagitan ng paglikha ng employment opportunities.
Dagdag pa nito, na sila ay may kolaborasyon sa pribadong sektor upang tulungan ang MSMEs sa product development, access to finance, market access, quality control, at marami pang iba.
Tiniyak naman ng kalihim, na patuloy na magbibigay ang DTI ng capacity building at financial assistance sa Ilocano MSMEs sa pamamagitan ng financing arm nito na Small Business Corporation, lalo na para sa mga biktima ng bagyong Egay at iba pang kalamidad. | ulat ni Gab Villegas