EO 35, nakatuon sa potensyal ng Pasig River — DHSUD Sec. Acuzar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na hindi lang nakatutok sa rehabilitasyon kundi pati na rin sa potensyal sa ekonomiya ang inilabas na EO 35 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumubuo sa Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD).

Ayon kay Sec. Acuzar, malaki ang positibong impact ng EO 35 partikular sa housing, transportation at tourism sector sa paligid ng Pasig River mula Maynila hanggang Pasig.

“The issuance of Executive Order 35 is like hitting many birds with one stone. It will trigger huge positive impacts to several sectors like housing, transportation and even tourism,” Secretary Acuzar.

Ayon sa Kalihim, malaking bagay ang activation ng inter-agency council para mas mapabilis ang aksyon ng concerned agencies para sa pagbangon muli ng Pasig River.

Dagdag pa nito, masisiguro sa rehabilitasyon ng Pasig River waterways ang ligtas at disenteng pabahay para sa libu-libong informal settler families na naninirahan sa riverbanks.

Matapos maitalagang pinuno ng IAC-PRUD, puspusan na ang pakikipag-ugnayan ni Sec. Acuzar sa iba pang member-agencies para talakayin na ang inisyal na plano sa pagpapatupad ng EO35. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us