Fake News, isa sa pinakamalaking kalaban ng kasundaluhan, ayon kay Defense Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Fake News ang isa sa pinakamalaking kalaban ng kasundaluhan ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Ito ang naging pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa kaniyang pagbisita sa 4th Marine Brigade ng Philippine Marines sa Camp Cape Bojeador sa bayan ng Burgos Ilocos Norte.

Sinabi ni Secretary Teodoro na may naglalabasan na mga Fake News gustong hatiin ang kasundaluhan ukol sa isyu ng kaltas sa pension ng mga retiradong sundalo at sa sahod ng mga aktibong sundalo.

Siniguro niya na hindi ito papayagan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at mga opisyal ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Teodoro na ang papasok na sundalo ay inaasahang kakaltasan subalit ang mga kasalukuyang nasa serbisyo ay pupunduhan ng gobyerno ang kanilang kontribusyon sa kanilang magiging pensyon.

Siniguro rin ng kalihim na magkakaroon ng bukod na retirement trust fund ng mga sundalo na ang kikitain nito ay maibibigay rin sa kanila.| ulat ni Ronald Valdriz| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us