Gen. Acorda, kinilala ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng droga sa Western Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni PNP Chief P/General Benjamin Acorda Jr. ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng iligal na droga sa Western Visayas.

Ayon kay Acorda, maraming impormasyong natatanggap ang kapulisan mula sa komunidad na nagreresulta sa matagumpay na anti-drug operation.

Sa datos ng Police Regional Office 6, umabot sa P86 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng kapulisan sa Rehiyon sa nakalipas na dalawang buwan.

Sa nasabing datos, maraming bulto ng shabu ang nakumpiska sa siyudad ng Bacolod at Iloilo City.

Sa pagresolba sa problema ng iligal na droga, tiniyak naman ng opisyal na patuloy ang kapulisan sa pagsasagawa ng agresibo at tapat na operasyon.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us