Gen. Acorda, nagpasalamat sa buong hanay ng PNP sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw bilang PNP chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa buong hanay ng kapulisan sa kanilang suporta sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw sa panunungkulan.

Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng Chief PNP Cup Shooting Competition sa Armscor Shooting Range sa Marikina City ngayong umaga, ibinida ni Gen. Acorda ang pagbaba ng krimen mula nang magsimula siyang manungkulan noong Abril 24.

Matatandaang una nang naglabas ng datos ang PNP kung saan naitala ang 17.26 porsyento pagbaba ng insidente ng Index Crimes mula Abril 24, 2023 hanggang Hulyo 30, 2023, kumpara sa parehong panahon noong nakalipas na taon.

Ayon pa sa PNP Chief, sa kabila ng ilang kontrobersyang kinasangkutan ng mga pulis, bumaba din ng halos 80 porsyento ang bilang ng mga pulis na nakasuhan dahil sa nagawang kamalian.

Sinabi ng PNP Chief na naniniwala siya na ipinapakita lang nito na mas disiplinado na ngayon ang mga pulis. | ulat ni Leo Sarne

📷: PNP-PC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us