Binigyan ng cash incentive ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Government Service Insurance System (GSIS).
Ipinagkaloob ito ng ARTA, dahil sa pagiging isa sa mga kinikilalang ahensya ang GSIS na nagkaroon ng exemplary performance batay sa resulta ng pilot implementation ng Report Card Survey (RCS) 2.0, noong Setyembre hanggang Nobyembre 2022.
Kinilala ng ARTA ang unang hanay ng mga RCS awardee noong Disyembre 2022, na binubuo ng kabuuang 15 ahensya.
Ang awardees ay natukoy batay sa rating na kanilang nakuha sa panahon ng pilot implementation at bawat isa ay binibigyan ng monetary incentive.
Layon nitong hikayatin sila na patuloy na mapahusay pa ang kanilang paghahatid ng serbisyo.
Ang Record Card Survey ay isang tool, na ipinag-uutos sa mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Seksyon 20 ng Republic Act 11032, na kilala rin bilang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.” | ulat ni Rey Ferrer