Umakyat na sa P6,978,388.00 o halos pitong bilyong piso ang iniwang pinsala sa imprastraktura ng mga nagdaang habagat at bagyong Egay.
Ito ang iniulat ng Department of Public Works and Highways o DPWH batay sa kanilang isinagawang monitoring and assessment ngayong araw.
Ayon sa DPWH, kabilang sa mga nakapagtala ng pinsala dulot ng kalamidad ay ang mga rehiyon ng Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Eastern Visayas at SOCCSKSARGEN.
Mula sa dating 11 kahapon, umakyat naman sa 15 kalsada ang limitado sa mga maliliit na sasakyan ang pinararaan; 2 sa CAR, 8 sa Ilocos, 4 sa Central Luzon at 1 sa Western Visayas.
Habang nananatili naman sa 16 ang bilang ng mga kalsadang hindi pa rin madaanan dahil patuloy pa rin ang ginagawang clearing operations.
Mula sa nasabing bilang, 10 rito ang nasa CAR habang tig-3 naman sa Ilocos Region at Central Luzon. | ulat ni Jaymark Dagala