Pinangangambahan ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa higit 2.1-milyong ektarya ng agricultural areas ang maapektuhan ng paghagupit ng bagyong Goring.
Sa datos mula sa DA DRRM Operations Center, nasa 1.6 milyong ektarya ng palayan at 548,399 ektarya ng maisam ang posibleng maapektuhan ng kalamidad.
Kabilang sa tinututukan ng DA ang mga lupang sakahan sa CAR, Region 1, 11, III, IV, V, VI, VIl, at VIlI.
Una nang pinakilos ng DA ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Operation Center nito para tutukan ang sitwasyon sa agri-fishery sector sa gitna ng pagiral ng bagyong Goring.
Pinagsusumite na rin ang mga Regional Office ng situational reports sa agricultural areas sa kanilang nasasakupan.
Tuloy-tuloy naman ang koordinasyon ng DA sa PAGASA sa lagay ng panahon at pakikipag-ugnayan nito sa mga national agencies at LGUs. | ulat ni Merry Ann Bastasa