Higit 26k estudyante at 24k magulang/guardian, nakikinabang na sa Tara, Basa! tutoring program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumarami na ang mga estudyante at mga magulang na natutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng Tara, Basa! Tutoring Program.

Ayon sa DSWD, mula nang ilunsad ang programa noong Aug. 14 ay aabot na sa

26,093 non-reader incoming Grade 2 students ang sumailalim na sa tutoring at ABAKADA reading sessions.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay mga estudyante mula sa Parang Elementary School sa Marikina, Legarda Elementary School sa Manila, at Odelco Elementary School sa Quezon City.

Bukod dito, nasa 24,447 na rin ang bilang ng mga magulang at guardians ng mga non-reader student-beneficiaries ang nakibahagi sa Nanay-Tatay teacher sessions na isinagawa ng Youth Development Workers (YDWs).

Sa ilalim ng pilot implementation ng Tara, Basa! Tutoring Program, nagsisilbing tutors at YDWs ang mga 2nd- 4th year college students mula sa piling state universities and colleges (SUCs)

Ngayong buwan ng Agosto, nakalinya ang reading sessions at Nanay-Tatay teacher habang hindi pa nagsisimula ang pasukan.

Target namang magkaroon din ng Saturday sessions sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us