Higit 5,000 pang mga evacuee ng Mayon Volcano, nananatili pa rin sa evacuation centers sa Albay – DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatili pa rin sa mga evacuation center ang 5,369 pamilya o 18,794 individual na lumikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon sa Albay.

Base sa ulat, hindi pa rin sila pinapayagang makabalik sa kanilang tahanan dahil pa rin sa banta ng bulkan.

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na patuloy nilang mino-monitor  ang mga pamilya na nasa evacuation centers.

Sinisiguro rin, na sapat ang suplay ng Family Food Packs (FFPs) at Non-Food Items (NFIs) sa mga warehouse sa probinsya.

Sa ngayon, aabot na sa P215,319,323 ang kabuuang halaga ng tulong ang naibahagi ng ahensya mula nang magsimula ang Mayon Operations.

Base sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala pa ng 17 volcanic earthquake ang bulkan sa nakalipas na 24 oras, 151 rockfall events, at 3 pyroclastic density current events.

Kasalukuyan pa ring nakataas sa alert level 3 ang status ng bulkang Mayon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us