Honor students sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng San Juan, binigyan ng cash rewards ng lokal na pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan ng cash rewards para sa honor students sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong araw.

Layon nitong bigyan ng inspirasyon ang mga mag-aaral na magsumikap at magtapos ng kanilang pag-aaral.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, kabilang sa mga nakatanggap ng cash rewards ang mga Grade 6 honor student na nabigyan ng tig-P2,000 hanggang P5,000.

Nakatanggap naman ang mga Grade 10 honor student ng tig-P3,000 hanggang P7,000.

Ang mga Grade 12 honor student naman ay nabigyan ng tig-P5,000 hanggang P10,000.

Habang nabigyan din ng tig-P3,000 ang lahat ng graduates ng Grade 12 sa San Juan public schools.

Nangako naman ang San Juan LGU, na hindi dito natatapos ang suporta ng lokal na pamahalaan para sa mga mag-aaral at magbubukas ito ng educational assistance para naman sa mag-aaral sa kolehiyo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us