Hurisdiksyon sa mga pampublikong paaralan sa EMBO barangays, iginiit ng Taguig LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig na kanilang ipagpapatuloy ang pagtupad sa mandatong ibinigay sa kanila ng Korte Suprema para maayos na pangasiwaan ang mga Enlisted Men’s Barrio o EMBO Barangays mula sa Makati City.

Ito ang tugon ng Taguig LGU sa anito’y marahas na pahayag ng Makati LGU matapos barikadahan at ikandado ang mga gusali ng pampublikong paaralan sa mga nabanggit na barangay.

Sa gitna na rin ng Brigada Eskwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, malinaw naman ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa hurisdiksyon sa mga Embo Barangay kaya’t marapat sundin ito ng Makati LGU nang mahinahon, maayos at may propesyunalismo.

Nauuwanaan naman ng alkalde ang pinaghuhugutan ng mataas na emosyon ng Makati LGU at umaasa siyang mauunawaan din ito ng kabilang kampo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us