Ikaapat na bugso ng relief assistance sa Mayon evacuees, ipinamahagi ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng ikaapat na bugso ng relief assistance ang Department of Social Welfare and Development para sa Mayon evacuees sa Albay.

Ayon sa DSWD Field Office Bicol Region, kabuuang 27,050 family food packs ang ipinamahagi sa 5,410 families sa loob ng evacuation centers, habang 2,085 FFPs naman ang ipinamahagi sa 417 families na nasa labas ng evacaution centers.

Bilang karagdagan, pinaglalooban din ng 3,865 boxes ng family food packs ang 773 economically displaced families .

Bukod sa suplay ng pagkain, nagbigay din ng 5,410 hygiene kits ang DSWD sa mga nanatili sa evacuation centers.

Ang kabuuang halaga ng tulong na inilabas ng DSWD para sa ikaapat na bugso ay umabot sa Php30,162,769.

Tatagal ang suplay ng pagkain sa loob ng 15-araw, mula Agosto 9 hanggang 23 .| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us