Nagpapatuloy ang isinasagawang emergency road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng EDSA Bus Lane.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), natapos na ng DPWH ang asphalt overlay sa ilang bahagi ng bus lane.
Kabilang sa mga lugar na ito ang:
* harap ng Vertis North Nortbound lane
* Bay 25 hanggang Bay 26 Northbound lane
* Bay 19 hanggang Bay 21 Northbound lane
* Harap ng Landmark sa ilalim ng Footbridge sa Northbound lane
* Sa may Trinoma Footbridge Northbound lane
* SM North Annex hanggang sa Geely Northbound lane
* Sa may Dario Bridge Northbound lane
* At sa Hurom hanggang sa Benitez Southbound lane
Habang nagpapatuloy naman ang repair ng mga sumusunod na lugar sa bahagi ng Vertis North Northbound lane, Trinoma Mall, Misamis Street hanggang SM Annex, QCA UTS hanggang Geely Building, at Jackman Plaza Building hanggang EDSA Muñoz footbridge.
Matatandaang isinara sa mga motorista ang ilang bahagi ng EDSA Bus Lane mula sa Balintawak hanggang Buendia Avenue dahil sa isasagawang one-time, big-time emergency road repairs simula alas-10 ng gabi ng August 4 hanggang alas-5 ng umaga ng August 9.
Ito ay dahil sa mga pinsala na iniwan ng mga nagdaang bagyo at habagat sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta para makaiwas sa abala. | ulat ni Diane Lear