Nadadaanan na muli ang ilang bahagi ng EDSA Carousel Bus Lane matapos sumailalim sa limang araw na emergency road repair.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), natapos sa tamang panahon ang pagkukumpuni sa mga inner lane ng EDSA na may malalim na lubak at sira.
Nakumpleto na ang asphalt overlay sa mga nasirang daan dahil sa dalawang linggong pag-ulan na dulot ng Bagyong Egay at Bagyong Falcon, pati na ang habagat.
Kaugnay nito, ay binuksan na muli yung mga parte ng EDSA na nilagyan ng harang para makaiwas sa mga aksidente sa mga motorista.
Matatandaang isinailalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa emergency road repair ang ilang bahagi ng EDSA Carousel Bus Lane simula August 4 hanggang August 9.
Patuloy naman paalala ng MMDA, na ang EDSA Carousel Bus Lane ay nakalaan lamang para sa mga pampublikong bus, ambulansya, at sasakyan ng gobyerno na tutugon sa emergency. | ulat ni Diane Lear