Patuloy na nakararanas ng pag-ulan at pagbaha ang ilang bahagi ng Zamboanga City bunsod ng Low Pressure Area (LPA) na tumatama sa ilang bahagi ng bansa.
Nagtalaga na rin ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng team na siyang magmomonitor sa mga flood-prone areas sa lungsod.
Hinikayat naman ni Mayor John Dalipe ng Zamboanga ang lahat ng tanggapan at ahensya ng lokal na pamahalaan gayundin ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Centers (BDRRMC) na agad rumesponde sa lahat ng emergency dulot ng masamang panahon.
Ayon kay CDRRMO Head Dr. Elmeir Apolinario, ilang mga barangay na rin ang nakakaranas ng baha kabilang dito ang Tumaga, San Jose Gusu, Pasonanca, San Roque at Barangay Putik.
Ilang pamilya, lalo na ang mga nakatira sa mga riverbanks at low lying areas ang inilikas na rin sa mas ligtas na lugar habang patuloy naman ang koordinasyon ng CDRRMO at mga tauhan ng
Emergency Operations Center sa iba’t ibang barangay. | ulat ni Bless Eboyan | RP1 Zamboanga