Aabot sa siyam na kalsada sa Luzon ang hindi halos madaanan ng motorista dahil sa pananalasa ng bagyong Goring.
Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), naitala ang mga nasirang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2, at 6.
Sa huling tala ng DPWH, lubog pa rin sa baha ang ilang kalsada habang ang iba naman ay sarado dahil sa collapsed pavement.
Pagguho naman ng lupa ang dahilan ng pagkasira ng mga daanan sa Region 6.
Samantala, dalawang kalsada naman sa Region 1 at 4A ang hindi madaanan dahil sa pagkakabiyak ng mga ito.
Inaabisuhan ang mga apektadong motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta habang kinukumpuni ang mga nasirang kalsada. | ulat ni Mary Rose Rocero