Ilang manonood ng FIBA World Cup sa Philippine Arena, maagang nag-abang sa masasakyang libreng P2P bus

Facebook
Twitter
LinkedIn

Excited na ang ilang basketball fans na maagang nag-abang ng kanilang masasakyang libreng P2P bus para sa pagbubukas ng FIBA World Cup sa Philippine Arena ngayong araw.

Wala pang alas-10 ng umaga, nagsimula nang dumating dito sa Trinoma Pick-up point ang ilang spectators para maaga raw makadating sa venue.

Kabilang dito si Tatay Lorenzo Tanghal, na isang dating basketball player, na handa na raw na i-cheer ang buong Gilas Pilipinas sa kanilang laro mamayang gabi.

Bukod sa laro ng Gilas Pilipinas, bumili rin ng ticket si Tatay Lorenzo para sa laro ng USA team bukas sa MOA Arena.

Ang isa pang fan na si Pedro, lumuwas pa galing Camarines Sur para suportahan ang mga manlalaro ng bansa.

Aniya, pambihirang pagkakataon ang hosting ng Pilipinas sa FIBA kaya nais niyang personal na sumuporta sa mga pambato ng bansa.

Ikinatuwa naman ng mga manunuod dito gaya ng senior citizen na si Rey Escaño na may libreng P2P bus para bawas hassle na ang pagpunta sa Philippine Arena.

Ayon sa dispatcher ng P2P buses, tuloy-tuloy ang pick-up ng mga pasahero sa naturang pick-up point kada 30-40 minuto at tatagal ito hanggang mamayang alas-4 ng hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us