Binigayang pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang nasa 250 pulis Caloocan dahil sa kanilang natatanging serbisyo.
Kasama ng Caloocan LGU ang People’s Law Enforcement Board sa pagpili ng mga ginawarang pulis na nagpamalas ng dedikasyon sa pagpapatupad ng kapayapaan sa lungsod kabilang na ang pagdisiplina ng mga tiwaling pulis.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Along Malapitan ang mga pulis na nagpapanatili ng kaayusan sa Caloocan.
Hinimok din ng alkalde ang iba pang mga pulis na ayusin ang trabaho at ipatupad nang maayos ang batas.
Tiniyak din ni Malapitan na pananagutin nito ang sinumang lalabag sa batas at patuloy na makikipag ugnayan sa pulisya upang matiyak na maayos na magagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin. | ulat ni Diane Lear