Imbestigasyon ng IAS sa mga pulis na sangkot sa maanomalyang operasyon sa Cavite, sinimulan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinailalim na sa pre-charge investigation ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang mga pulis na sangkot maanomalyang drug operation sa Cavite kung saan pinagnakawan umano ang bahay ng suspek.

Ayon kay IAS Inspector General Alfegar Triambulo, 12 pulis ang isinama ng IAS sa Pre-Charge Investigation, kabilang ang dating Chief of Police ng Imus Cavite at Deputy Chief nito dahil posibleng kapabayaan.

Sinabi naman ni Triambulo na kumbinsido siya na dapat matanggal sa serbisyo ang mga pulis na direktang nagsagawa ng operasyon.

Ito’y dahil pinalabas umano ng mga ito na buy-bust ang operasyon nila pero ang ginagawa nila ay pagnanakaw.

Gumawa lang din umano sila ng scenario para bigyang katwiran ang pag-aresto nila sa inosenteng sibilyan.

Ipinunto ni Triambulo na alas-8 ng gabi nang gumawa ng scenario na buy-bust operation ang mga pulis pero nakuha sa CCTV na maliwanag pa nang magsagawa sila ng operasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us