Implementasyon ng single ticketing system, sisimulan na sa Setyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy na sa Setyembre ang pagpapatupad ng single ticketing system sa Metro Manila.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes na natanggap na nila ang mga handheld ticketing device na binili ng ahensya.

Ito ay ipapagamit sa mga traffic enforcer para sa implementasyon ng single ticketing system.

Isinagawa rin sa pulong ang pag-turn over ng 30 handheld device sa limang lokal na pamahalaan, na unang nagpatupad ng single ticketing system.

Photo courtesy of MMDA Facebook Page

Kabilang dito ang San Juan City, Parañaque City, Muntinlupa City, Caloocan City, at Valenzuela City.

Habang ang Quezon City naman ay bumili ng sarili nitong handheld ticketing device.

Ang mga naturang device ay naka-customize depende sa mga alituntunin at pangangailangan ng bawat lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, ay maaari na ring magbayad online ang mga traffic violator dahil naka-activate na ang online payment system ng mga nabanggit na lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ni Artes, matapos ang roll out sa mga piling lokal na pamahalaan ng single ticketing system ay isusunod na rin ang iba pang local government units (LGUs) sa Metro Manila. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us